Breezy Boyz & Girlz - Maligayang Pasko

Check out the newest and hottest OPM song today -  Maligayang Pasko by Breezy Boyz & Girlz.

OPM Hit Maligayang Pasko Lyrics is now available at this moment.


"Maligayang Pasko" lyrics

Intro: Pasko, pasko (repeat 4x)

1st verse:

Ramdam mo ba (ramdam ko na)
Ang simoy ng hangin
Malambing na, malamig na,
Palapit na ang diwa ng kapaskuhan
Sa bawat sulok ng mundo
Wala nang hihigit pa sa Pasko
ng Pilipino (ng Pilipino)
Kahit san naroroon
Anong saya na makitang may ngiti
Sa mukha ng bawat isa
Maligaya ang Pasko dahil ang lahat
ay nagkakaisa

Refrain:

Sama-sama sa salo-salo
Pagmamahalan walang halong pagtatalo
Lahat tayo'y magdiriwang
Para sa araw ng Kanyang pagsilang

CHORUS:

Hindi man ganun kadali ang buhay
Hiling ko'y magkaron ng ngiti
Tunay na liliwanag ang Pasko
Pasko ng bawat Pilipino (Pasko ng bawat Pilipino)
San mang sulok ng mundo
Maligayang Pasko satin
Dahil sama-sama tayo
sa munting salo-salo ngayong Pasko.

2nd verse:

Maliwanag ang paligid
dahil sa mga parol na nagniningning
Buksan ang pinto sa mistulang anghel
Ang mga batang nangangaroling (batang nangangaroling)
Pasko, pasko
Pasko na namang muli
Pasko, pasko
Paskong puno ng ngiti
Sa may bahay ang aming bati
Awit na maririnig mo palagi
Sama-sama sa salo-salo
Pagmamahalan walang halong pagtatalo
Lahat tayo'y magdiriwang
Para sa araw ng Kanyang pagsilang..

CHORUS:

Hindi man ganun kadali ang buhay
Hiling ko'y magkaron ng ngiti
Tunay na liliwanag ang Pasko
Pasko ng bawat Pilipino (Pasko ng bawat Pilipino)
San mang sulok ng mundo
Maligayang Pasko satin
Dahil sama-sama tayo
sa munting salo-salo ngayong Pasko.

Bridge:

Sana ngayong Pasko
Ay nasa puso mo
Ang tunay na regalo
Sabay-sabay nating buksan
Malayo ka man sa mahal mo,
Sa mga taong mahalaga sa'yo
Lagi mong iisipin na ang diwa nito'y pagbibigayan..

Rap verse:

Sana ngayong Pasko ang lahat ng tao'y magkaron ng panahon
na makasama ang kanilang mga minamahal
Pinapahalagahan kahit nasan pa man
Nakahanda na ang regalo sa araw ng pagsasalo
Ilabas mo ang ngiti mo sa araw na kung kailan pinanganak ang Panginoon na si Kristo,
matuwa at magalak, magpasalamat lahat tayo
Mahirap man ang buhay pero bat nagkakakulay
Kapag parating na ang araw ng kanyang pagkabuhay
Wala man laman ang bulsa
Ang mahalaga'y ayos ka `pag kinamusta ng mga mahal mo
Kahit ang handa mo ay kapos pa
Salamat..
Dahil pinagkaloob mo sa amin kahit magkakaiba
Ang paniniwala pero sa kaarawan mo ay nagkakaisa
Sadyang nakapagtataka hatid mo'y labis na saya at galak
Sa Pasko presensya mo'y lubos naming nadarama
Mahirap man o mayaman lahat ng 'yan ay nagdiriwang
Sa pagsilang ng isang pinakakilalang nilalang
Ito ang panahon para ipamahagi ang biyayang natamo
sa nagdaang buong taon
Ang makatulong sa kapwa, palagi mong tatandaan
na maganda ang pamana sa atin ng Panginoon

CHORUS:

Hindi man ganun kadali ang buhay
Hiling ko'y magkaron ng ngiti
Tunay na liliwanag ang Pasko
Pasko ng bawat Pilipino (Pasko ng bawat Pilipino)
San mang sulok ng mundo
Maligayang Pasko satin
Dahil sama-sama tayo
sa munting salo-salo ngayong Pasko.


(REPEAT 3X)

Feel free to share the music video of this Original Pinoy Music!
, Hits, Latest OPM Songs, Lyrics, Music Video, Official Music Video, OPM, OPM Song, Original Pinoy Music, Top 10 OPM, Top10,Breezy Boyz, Girlz, Maligayang Pasko

Breezy Boyz & Girlz - Maligayang Pasko Music is also available here in "Latest OPM Hits"



Maligayang Pasko - Breezy Boyz & Girlz (Official Music Video)

Maligayang Pasko - Breezy Boyz & Breezy Girlz
Lyrics & Concept by Breezy boyz
Recorded at Planta Musika Recording studio
Original Instrumental by John Ege of J.E. Beats
Music arranged & produced by Abaddon
Executive Producer : Eduardo Ching & Edvic Yap
Producer : Wolf
Director & Editor : Julius Olaya
Graphic Artist : Ghack Creation 
Share this article :

Subscribe

Subscribe by Entering your email address

and to receive updates to your favorite band/artist:


Advertisement

 
Copyright © 2013. Latest OPM Hits - All Rights Reserved
Proudly powered by Blogger