Huddasss, Abaddon & Curse One - Ama

Check out the newest and hottest OPM song today - Ama by Huddasss, Abaddon & Curse One.

OPM Hit Ama Lyrics is now available at this moment.


"Ama" lyrics


Whoo

(Para sa lahat ng mga amang nagmamahal)
ohhh
(Para sa lahat ng amang responsable)
Kaysarap pakinggan nang tawagin kang ama
Pag kayo'y minamasdan nawawala lahat ng problema
Di ko kayo pababayaan
Pangako ni ama inyong panghawakan
(Laman ng awit na to ang mga di niyo masabi)
Aalagaan at gagabayan
(Mabuhay ang lahat ng ama)
Mahal kayo ni ama, Lagi niyong tatandaan

1st Verse:


Sa isang iglap nagbago ang lahat

Nagkaron' ng dahilan para lalong magsumikap,
Ugali ko'ng pangahas at aking pagiging sutil
Agad kong tinalikuran dahil sa mga anghel,
Na naging dahilan kung bakit kumapit at naniwala
Na kaya kong maitaguyod ng matiwasay,
Di man ako nagtapos ng pag aaral, di makakasagabal
Tuloy sa pag bigay nang maibigan niyo at layaw,
Titiisin ang gutom at pagod
Puyat o may sakit manhid na ko sa pait,
Masayang pinapawisan ito'y dahil alam kong ang kapalit
Ng paghihirap ang ngiti niyong matamis,
Maraming pinalagpas na pagkakataon di' ko sinayang yon
Bagkus lalong binuhos sa inyo ang atensyon,
Ang masdan bawat araw ng paglaki yun ang sukli
Ng pagmamahal na binubuhos sa araw at gabi,
Batid kong darating ang araw na mawawalay
Nanaisin niyong magsarili ng pamumuhay,
Di ko man ibigin kusang darating yon
Kaya't mabuti pang sulitin oras natin ngayon,
Saking kandungan hayaan niyong aking iparamdam
Kaligayahan na sakin ang kayo'y mapagsilbihan,
Di man ako ang naging pinaka mabuting anak
Ang maging isang ama sa inyo labis kong pinasasalamat,

Chorus:


Kaysarap pakinggan nang tawagin kang ama

Pag kayo'y minamasdan nawawala lahat ng problema
Di' ko kayo pababayaan
Pangako ni ama inyong panghawakan
Aalagaan at gagabayan
Mahal kayo ni ama lagi niyong tatandaan

2nd Verse:


Lahat ng pagod ay nawawala kapag kayo'y kasama na

Kayo ang dahilan kung ba't masarap ang maging ama,
Kayo ang kayamanan kaya't ako ay mayaman na
Walang kahalintulad ang ligaya na nadarama,
Pinapangakong magsisikap si ama para kayo
Ay mabigyan ng magandang kinabukasan,
Hindi ko hahayaang dapuan ng kagutuman pag may luhang
Papatak ay walang sawang pupunasan,
Tawagin si ama kapag hindi na kaya ang dinadala
Ako'y nasa likod aalalay kapag nadarapa,
Tutulong sa mga bagay na hindi niyo pa nagagawa
Magsisilbing mata sa pahanong kayo'y nangangapa,
Ako ang n'yong gabay nakamasid palagi
Si ama ang mag aalis ng gatas niyo sa labi,
Mga anak kong musmos dito kayo sa inyong hari
Sa langit niyo'y ako ang uukit ng bahaghari,
Salamat sa Diyos at kayo'y binigay niya sa akin
Ang mga ngiti niyo ang nagpalambot nitong damdamin,
Parang dinudurog ang puso pag ako'y yayakapin niyo
Kayo ang tagapagligtas pag nasa alanganin,
Si ama ang guro kaibigan kapatid
Gabay sa tulay nang pagsubok hanggang sa makatawid,
Kayo, init niyo ko sa lamig
At mahal ko kayo yan ang nais kong ipabatid,

Chorus:


Kaysarap pakinggan nang tawagin kang ama

Pag kayo'y minamasdan nawawala lahat ng problema
Di' ko kayo pababayaan
Pangako ni ama inyong panghawakan
Aalagaan at gagabayan
Mahal kayo ni ama lagi niyong tatandaan

Bridge:


Mahal kayo ni ama

Na handang magsilbing sandalan niyo
Sa oras na kaylanganin
Aalagaan at gagabayan
Pangako ni ama
Inyong panghawakan

Chorus:


Kaysarap pakinggan nang tawagin kang ama

Pag kayo'y minamasdan nawawala lahat ng problema
Di' ko kayo pababayaan
Pangako ni ama inyong panghawakan
Aalagaan at gagabayan

Mahal kayo ni ama lagi niyong tatandaan

Feel free to share the music video of this Original Pinoy Music!
Hits, Latest OPM Songs, Lyrics, Music Video, Official Music Video, OPM, OPM Song, Original Pinoy Music, Ama, Huddasss, Abaddon ,Curse One, Top 10 OPM, Top10,
Huddasss, Abaddon & Curse One - Ama Music is also available here in "Latest OPM Hits"



Ama - Huddasss, Abaddon & Curse One (Official Music Video)

Instrumental by Ryan Foenineth Rebadulla
Recorded at "Planta Musika"
This Music Produced Under "Thugszilla Production"
Director & Colorist: Venzon Malubay & Jefferson Buenviaje
Crew: Mark Anthony Beltran
This Music Video Produced under "Artcraft Visual Presentation"

Huddasss
Abaddon
Curse One

Thugszilla Production
BeatsByFoe 
Share this article :

Subscribe

Subscribe by Entering your email address

and to receive updates to your favorite band/artist:


Advertisement

 
Copyright © 2013. Latest OPM Hits - All Rights Reserved
Proudly powered by Blogger