L.A. Crew (Juan Makata & 8th Miles) - Kampo Ng Bulag

Latest OPM Hits: Check out the newest and hottest OPM song today - Kampo Ng Bulag by L.A. Crew (Juan Makata & 8th Miles).

OPM Hit Kampo Ng Bulag Lyrics is now available at this moment


"Kampo Ng Bulag" lyrics

Chorus:

Wawasakin, tatapusin ang lahat ay dudurugin
Hanggang sa hindi pa madala
Mga taliwas na makata na merong masamang hangarin
Uubusin hanggang sa hindi pa mawala
Ang katalasan na hindi man lang makagapas sa talim ng aming abilidad
L.A Crew, kami ang mga delubyong hahampas sayo pabaligtad
Saming pag ragasa, lahat ng proweba ng pakikipagdwelo inilibing na
Malawakang pananakop gamit ang mga modernong paraan ng pagkitil ng di ka makasalba
Sa pamamayagpag dalawang nilalang ang nangibabaw napasamin ang kalupitan
L.A Crew ng tugmang bulag aming napasakamay ang mga rimang palaban

8Th Milez Verse:

Mas pinalakas! Ang mga binibitawan ko na mga tugma na aking kalasag
Mas Pinatindi! Ang mga banatan na di mo kayang panghawakan kaya di mo masalag, basag, palag
Para kang natagtag saking mga palad na di mo matanto
Ang mga senaryo na ilalahad ko sa pamamagitan ng tulang ito
Saluhin mo mga pinapagapang kong letra, saking mga obra wag ka nang umentra
Nagsilipana na mga demonyong pinakawalan ng mga tulad ko
8th Milez, isa sa mga kinakatakutan mo, blindrhyme angkan ng mga diyablong may mga talentong di napasayo
E pano, wala naman talagang kasing galing ang mga tulad nyong lagpak sa kalupitan
Laging pinapasakitan, parang sa piitan kasi bagsak sa palupitan
Mga batukan ng mga batikan akin na lang iniiwanang lugmok sa pagbayo
Makalipas ang mahabang panahon sa katitira niyo sa amin ay lubog pa rin kayo
Kami ang berdugo tinagurian na mga tagapaslang
Itinalaga upang ubusin ang mga huwad at puro mga lecheng tatatak lang
Akin na ngang binabalaan ang mga makatang bulaan wag kang magbulagbulagan dahil dito sa laro
L.A Crew malabong mapabagsak dahil kami ang diyos ng inyong mga guro

Juan Makata Verse:

Lalapastanganin ang tumaliwas na di pa rin makaunawa hanggang sa ngayon!
Damahin mo ang mga pait parusa sa mga salungat
Pinakamasalimuot na bangungot na hindi mo malilimot mula sa mga modernong alamat
Taga baklas ng mga talastasan na di naman makahanay saming abilidad
Di sapat ang husay at ang kalaliman kung hindi ka basbasado ng mga titulado at dekalidad
Kaya napasakin at napanghawakan ang bigat na magpapayaning ng kamalayan
Sa mga prominente mo lamang matutunghayan ang idiomatikong sampal na pakanan
Lalabas kang talunan di na nakapagtataka na merong kakulangan na hindi mo
Na mapupunan lamanan mo man ng palaman na mula sa eksperto
Tunay na makatang may basbas, Ni Darmo kaya napasakamay ko
Kapangyarihang nilabas ng Kandado kinakatakutan ninyo
Garantisado ang pagkabigo dahil sa paghahangad ng labis na katanyagan
Ebolusyon at imortalidad aking nakamit at dumadaloy saking katawan
Takbo! gawapang ka pakaliwa habang meron ka pang lupang ginagalawan
Bago lahat maparalisa sa pagmamanipula ko sa lahat ng talunan
Lahat ng nakasaad sa bawat sulat bubuhayin sa pamamagitan ng mga tugmaang matatag
Walang makakapigil sa pamamayagpag kami ang mga halimaw na alyansa ng bulag

3rd VERSE: (8th.milez & Juan Makata)

8Th Milez Verse:

Tatatak Takbo! Takbo Bilisan mo hanggang sa may lupa kang natatapakan
Di mo na mapigil pag sinimulan naming bumuga sa tinatawag kong larong bakbakan
Kasi kami lang naman ang mga napili na isa sa mga bagong dugo
Na magmumulat sa mga makatang dumadalangin samin na kami'y mabigo
Sige tapatan mo gung-gong lahat ng napasayo ay nawala at napasakin
Di ko na kailangan pa sayo ipaliwanag alam na nila kahit hindi ko na sabihin
Kakalad-kalad-karin ka hahatakin ka pailalim at di na bubuhayin
Kakalam-kalam-pagin ka kahit pa anong gawin mong ilag samin

Juan Makata Verse:

Siguro naman ngayon malilinawan ang pagiisip na bunga ng layuning lirikal
Na buhat ng marinig ang sagradong sulat ng mga kamay na may kakayahang dumungis ng dangal
Ako ang batas ako si JUAN MAKATA at sakin mo lang madadama
Pagkapahiya na mula sa bangungot na kinatakutan ng mga tanga
Ito ang malawakang pangangalampag nagmula sa kopunan na tinaguriang banal
Ipusta mo lahat ng iyong mga respeto sa mga makabagong makatang imortal
Di mo magagawang dungisan ang pangalan sa ngalan ng pinuno at ulo ng mga bulag
Isang matinding bagsak ng rima laban sa pinagmamalaki niyong kalasag

Chorus:


End

Feel free to share the music video of this Original Pinoy Music!
L.A. Crew, Hits,Kampo Ng Bulag, Latest OPM Songs, Lyrics, Music Video, Official Music Video, OPM, OPM Song, Original Pinoy Music, Top 10 OPM, Top10, Kampo Ng Bulag video, Kampo Ng Bulag lyrics,

L.A. Crew (Juan Makata & 8th Miles) - Kampo Ng Bulag Music is also available here in "Latest OPM Hits"




BRP presents "KAMPO NG BULAG" by L.A. CREW (JUAN MAKATA and 8TH MILES)

KAMPO NG BULAG by L.A. CREW

SONG WRITTEN AND PERFORMED BY: JUAN MAKATA AND 8TH MILES OF L.A.CREW
MUSIC VIDEO DIRECTED AND EDITED BY: MR. LHER OCAMPO
MUSIC VIDEO PRODUCED BY: DENMARK REPUYAN for BLIND RHYME PRODUCTIONS
Share this article :

Subscribe

Subscribe by Entering your email address

and to receive updates to your favorite band/artist:


Advertisement

 
Copyright © 2013. Latest OPM Hits - All Rights Reserved
Proudly powered by Blogger